BisaKoLonggo

Tuesday, April 25, 2006

Pinakamahabang Kalsada sa Buong Mundo

Alam ba ninyo na sa Masbate lamang matatagpuan ang pinakamahabang kalsada sa buong mundo?

Hayaan ninyong ikuwento ko sa inyo.

Mahal ko ang bayang sinilangan ko siyempre. Naalaala ko pa noon kung gaano kalinis ang kapaligiran, ang ganda tingnan ng mga mayayabong na punong kahoy. Namimingwit kami sa dagat na nasa harap lang ng aming bahay. Ang sarap maligo lalo na kapag tinatawag na "San Juan," kung saan punong-puno ng mga tao ang kahabaan ng dalampasigan.

Kung hindi ako nagkakamali Grade 5 ako noon nang una akong napunta sa Masbate proper. Boy Scout ata noon at kasama ako sa contingent namin para sa 'Provincial Meet,' kung saan maglalaban-laban at magpakitang gilas ang lahat ng kalahok -lahat ng school yata- sa buong lalawigan.

Nagalit pa nga ang nanay ko noon dahil kung kailan aalis na kami -sasakay ng pampaseherong pump boat- e dun pa lang gumawa ng sulat ang mga titser namin na pinamumunuan ng aming principal at alam nyo ba kung ano ang nilalaman ng sulat? Wala daw silang pananagutan sa lahat ng estudyante -na hindi kasama ang magulang- kung anuman ang mangyari habang nasa biyahe kami. Meaning, kung sakali mang malunod kami ay wala silang kasalanan o pananagutan. Yun ang pilit nilang pinapipirmahan sa mga magulang namin.

Binasa ito ng aking nanay. At nanggagalaiti siya sa galit ng mabasa niya ang nilalaman nito. Nagulat ang iba pang nanay ng mga pupils dahil sa reaksiyon ng nanay ko at tinanong nila kung bakit. Nang sabihin ng nanay ko sa kanila ang nilalaman ng sulat e sila din ay nagalit. Nahiya ang mga titser namin at binago ang sulat. (Nawawala na ba ako sa pinag-uusapan? hehehehe)

Anyway ganito uli iyon.

Mula 19kupong-kupong pa yata, ang pagpunta namin sa Masbate proper ay sa pamamagitan lamang ng pampaseherong motor. Mula Brgy. Calumpang (kung saan naroroon ang himpilan ng Cost... I mean Coast Guard), ang "pasaheruan" ay dumadaan ng Bongcanaway, Quinyangan Diutay at San Antonio (dumadaan lamang ito sa Quinyangan Dako at Quinyangan Tunga kung may pasahero) etc. etc. hanggang makarating sa Calasuchi, Milagros.

Ito ang nais kung isigaw: Hindi ka makakarating ng Masbate proper sa pamamagitan kalsada!!!

Alam ba ninyo, nakakarating lamang ang mga sinaunang matitibay na malalaking sasakyan sa amin kung may election. Iyon kasi ang sinasakyan ng mga kandidato. Maniwala kayo't sa hindi, ganito iyon. Hindi makakaalis kaagad ang mga sasakyang ito lalo na kung tumatakbo na kasi hinahabol naming mga bata. At minsan nauuna pa ang mga bata sa sasakyan dahil sa hindi ito makatakbo ng mabilis. Nakuha na ba ninyo ang ibig kung sabihin? Dahil bako-bako ang mga kalsada doon sa amin.

Heto pa. Sakali mang makalusot ang mga sasakyan sa amin kung tag-ulan, ito'y dahil sa nilalagyan nila ng kadenang bakal ang mga gulong ng kanilang sasakyan para kumapit ng todo sa maputik na kalsada. Ibinabalot nila ito sa gulong kung kaya lalong lumalalim ang mga kalsada sakaling mang hindi sila makaalis (dahil sa putik) at pinaaandar nila ito ng mabilis, kung saan parang hinuhukay ng mga de-kadenang gulong ang aming kalsada.

Kagagaling ko lang sa amin nitong mga nakaraang buwan. At maniwala kayo sa hindi.................................................................hindi pa rin sementado ang aming kalsada!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Heto paaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Hanggang ngayon wala pa ring kuryente sa aming baranggayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!

Katatapos lang ng Rodeo Festival sa amin. Yun ang ipinagmamalaki ng mga MasbateƱo at sana naman tuloy-tuloy na ang pag-unlad (?)

Sino-sino nga ba ang mga naalaala kong mga [corru]politiko sa amin? Ah alam ko na. Mga Espinosa, Espinosa at Espinosa. Sa Balud naman ay mga Arguelles, Arguelles at Arguelles. Ngayon kaya sino-sino naman. Ah alam ko na mga Kho, Kho, Kho, Espinosa, Espinosa, Espinosa, Arguelles, Arguelles at Arguelles.

Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa? Sila-sila pa rin?

Ang kawawa kung bayan, kahabag-habag talaga.

Inuulit ko. Wala pa ring kuryente sa Baranggay namin at hindi pa rin kongkreto ang kalsada namin habang isinusulat ko ito!

Maria Santesima! sabi pa ng mga matatanda sa amin. Diin ayhan nila gina gastos ang kuwarta man! Ang bisan sin-o man nga Presidente makadto lang sa amon probinsiya kun election man ah. Baw ah, ti kun san-o lang nila madumduamn amo nga dayon nila kadto sa mon lugar....... kun madumduman e, pasensiya kung indi. Ilabi na gid kay mga kamalalipaton sang amon mga politiko didto.

Siling nila kun eleksiyon: kon ako magdaug bilang gobernador o meyor, akon dayon ipasemento ang inyo nawung.... este karsada gali. Sus ginoo, ti diin na? Pila na katuig....o dekada? Baw ah, tani bala kun may mag-promisar nga pulitiko kag indi nila tumanon ang ila nga pangako, tani bala tamaan gid dayon sang kilat ah.

Nagapati na gid ko subong nga bisan sin-o pa ang mapungko sa kapitolyo o munisipyo basta ara na sila sa poder ilabi na gid kon maka pirma na sila sang "widrawal slip," baw ah, katikalon dayon. Hamakon ka nga dugay-dugay tikgulang na ako asta na lang siguro nga may apo na ako ti amo man gihapon ang kahimtangan sang amon nga gindak-an.

Amo ina nga ang mga tawo to sa amon daw dalok-dalok sang Manila mo. Kay man ti ano to ya ang pangabuhian nga maayo-ayo sa amon kay wala man! Kon magtinir ka lang to sa amon lugar ti mapatay ka gid lang to samtang nagakaon ka sang balinghoy e, ina kon may balinghoy pa. Basi bala sisi na lang to sa suba ang imo kaunon haw. Ina kun may sisi pa? Ti bugas na lang e, ina kon may bugas pa. Basi bala bugas-bugas nga sakit sa init haw!

Ambot na lang ginatuyo na ako sang paminsaron sang kaangtanan sang amon to lugar ti next time na lang liwat ah. Damo pa ko isugid sa inyo.